What's on TV

Kuwento ng dalagitang sinapian, tampok sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published October 28, 2021 4:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Dec. 16, 2025) | GMA Integrated News
P20.6M illegal drugs seized in Tagbilaran City, Bohol
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Althea Ablan on #MPK


Tampok ang kuwento ng isang dalagitang sinapian sa Halloween episode ng '#MPK.'

Kuwento ng sapi ang mapapanood sa upcoming Haloween episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Tampok dito si Kapuso actress at Prima Donnas star Althea Ablan bilang Rona, isang dalagitang masasapian.


Lumipat kasi sa isang lumang bahay ang kanilang pamilya para maging caretakers nito.

Sa paglalagi nila dito, mapapansin ng kanyang amang si Diego, played by veteran comedian Smokey Manaloto, na nag-iiba ang ugali ni Rona.

Nagiging bayolente ito at nagagawa pang saktan ang sarili. Buti na lang, laging nakaalalay kay Rona ang nakababatang kapatid na si Ronron, na gagampanan naman ni JK Giducos.

In denial naman sa kundisyon ng kanyang anak ang ina niyang si Nancy, role naman ng award-winning actress na si Angeli Bayani.

Matapos dumulog sa isang albularyo, malalaman ng pamilyang pugad ng mga masasamang espiritu at ligaw na kaluluwa ang bahay na nilipatan nila.

Bukod dito, iba't ibang masasamang elemento pa ang patuloy na sumasapi kay Rona! Paano maliligtas ng pamilya ang dalagita?

Abangan 'yan sa Halloween episode na "The Haunted Daughter," ngayong Sabado, October 30, 8:15 pm sa '#MPK.'

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: