What's on TV

Kuwento ng isang "illegal wife," tampok sa bagong episode ng '#MPK'

By Marah Ruiz
Published March 18, 2022 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Sheryl Cruz


Bibigyang-buhay ni Sheryl Cruz ang kuwento ng isang devoted misis na hindi pala legal ang kasal sa upcoming episode ng '#MPK'

Bibida ang aktres na si Sherl Cruz sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Pinamagatang "The Illegal Wife," kuwento ito ng isang misis na huli na nang malamang hindi pala siya ang legal wife ng kanyang yumaong asawa.

Gaganap si Sheryl bilang Sonya, na anim na taong liligawan ni Joey, karakter naman ni Gary Estrada.

Aminado sa sarili si Sonya na hindi niya mahal ang si Joey, pero papayag siyang magpakasal dito dahil nakikita niyang isa itong mabuting tao.

Nagkaroon sila ng isang anak at mapapatunayan ni Joey na isa siyang mabuting asawa at ama.

Sa kasamaang palad, magkakasakit si Joey. Gagawin ni Sonya ang lahat para maalagaan ito pero mamatay din si Joey.

Habang ipinagluluksa ang asawa, isang sikreto ang matutuklasan ni Sonya.

Hindi pala siya ang legal na asawa ni Joey! Paano ito tatanggapin ni Sonya?

Bukod kina Sheryl at Gary, bahagi din ng episode sina Bruce Roeland at Raquel Monteza. Si Gina Alajar naman ang nagsilbing direktor ng episode.

Huwag palampasin ang fresh at brand new episode na "The Illegal Wife," March 19, 8:00 p.m. sa #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: