GMA Logo Amazing Earth
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
What's on TV

Kuwento ng Ligiron racing, taxidermy, at marami pang iba, mapapanood sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino
Published December 4, 2024 4:35 PM PHT
Updated April 8, 2026 7:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos elated with Our Lady of Guadalupe image donations from Mexican philanthropist
Some tricycle drivers in Davao City dismayed after not getting cash aid
Huwag Kang Titingin: Anthony Constantino | April 15

Article Inside Page


Showbiz News

Amazing Earth


Narito ang mga kuwento ni Dingdong Dantes sa 'Amazing Earth' ngayong April 11.

Isang episode na puno ng amazing na mga kuwento at adventure ang mapapanood sa Amazing Earth.

Sa darating na Sabado (April 11), mapapanood natin ang kuwento ni Dingdong Dantes tungkol kay Mali na binansagang "loneliest elephant" sa Manila Zoo. Si Mali ay namatay noong November 28, 2023 at ibabalik ang kanyang taxidermy sa Manila.

PHOTO SOURCE: Amazing Earth

Mapapanood ang kuwento ng veterinarian na si Jason Sumaway sa pag-restore ng iconic animal through taxidermy.

Tampok din ngayong Sabado ang Ligiron racers of Valencia, Negros Oriental. Ang eco-warrior, radio host, and musician na si Nicky Dumapit na chief advocate ng ligiron race ay magbabahagi tungkol sa traditional sport at halaga ng pag-preserve nito.

Magpapatuloy rin sa episode na ito ang kuwento ng Kapuso Primetime King sa Filipino version ng “South America's Weirdest: Land of Giants and Pygmies."

Tutukan ang adventure na handog ng Amazing Earth ngayong Sabado (April 11), 6:30 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.