
Nagpapatuloy ngayong Sabado, January 21, ang kuwento ng mga kababaihang nagbubuwis ng kanilang buhay para makapagsilbi sa kanilang pamayanan sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Sa part two ng kuwento na pinamagatang "Ronda ng Kalsada," mga personal na problema naman ang haharapin nina Terry (Rochelle Pangilinan), Aling Chanda (Snooky Serna), Kaye (Liezel Lopez), Ruby (Cai Cortez), at Lanie (Lovely Rivero).
Malalaman ni Terry na involved sa droga ang kanyang asawang si Ronel (Paolo Paraiso). Hindi ito magugustuhan ni Aling Chanda, lalo na at isa ang isyu ng droga sa mga bagay na lubos na binabantayan ng kanilang grupo.
Mapapahamak naman ang anak ni Lanie na si Lester (Vince Crisostomo).
Maipagpapatuloy pa ba ng grupo ang pagpoprotekta nila sa kanilang komunidad?
Panoorin ang kanilang kuwento sa pangalawang bahagi ng brand new two-part episode na "Ronda ng Kalsada," January 21, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: