
Tiyak kapupulutan ng aral at inspirasyon ang 'Nilamon ng Lupa' episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, tampok ang Kapuso stars na sina Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, Klea Pineda at Kelvin Miranda.
Matitinding eksena sa 'Nilamon ng Lupa' episode ng bagong Wish Ko Lang
Ang episode ay tungkol sa pamilya na dumanas ng mala-bangungot na trahedya sa kanilang buhay nang gumuho ang kanilang bahay at nilamon sila ng lupa matapos ang matinding lindol.
Si Sunshine Dizon ang gaganap na Mirriam, ang ilaw ng tahanan, habang si Gabby Eigenmann naman bilang kanyang asawa na si Allan, at sina Klea Pineda at Kelvin Miranda bilang kanilang mga anak.
Sina Klea Pineda at Kelvin Miranda sa 'Nilamon ng Lupa' episode
Nang tanungin kung ano ang maipapayo nila sa mga pamilyang nakaranas ng matinding trahedya sa kanilang buhay, dalawang bagay daw ang magsisilbing sandata nila para malabanan ang lungkot ayon kay Sunshine Dizon, “Acceptance and prayers.”
Para naman kay Gabby Eigenmann, nakatutulong ang pagtuon ng atensyon sa mga bagay na nakakapagpasaya sa'yo.
“Masakit mawalan ng mahal sa buhay. We can move on but never forget. We just remember the things that make us happy and take it with us as we live life. Always pray for strength and guidance. It always works.”
At ayon naman kay 'StarStruck Season 6' grand winner Klea Pineda, dapat tanggapin na may rason kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay.
“Masakit man, tuloy lang ang buhay. May rason kung bakit nangyayari ang lahat. May purpose ka sa mundo na 'to - to be good and do better.
“Kailangan mo lang mas maging focused sa nangyayari ngayon, gawin mong inspiration 'yung mga mahal mo sa buhay na nawala.”
Sina Kelvin Miranda at Gabby Eigenmann sa most challenging scene sa episode
Ang 'Nilamon ng Lupa' episode ay ang pangalawang istoryang handog ng bagong Wish Ko Lang sa kanilang Pasabog October line-up.
Nabilib nga raw si Kelvin sa produksyon ng bagong Wish Ko Lang episode dahil bukod sa may strict safety protocols noong taping ay talagang mas pinalaki at mas pinaganda ang mga eksena.
“Yung sa sinkhole scene naman po, eh nakakagulat dahil 'di ko ma-imagine kung paano 'yon gagawin pero mahusay po si Direk Rommel, na talaga naman nagawan ng paraan kung paano niya gagawin 'yung eksena ng mas maganda.”
Sumang-ayon nanam si Gabby na bagamat may kahirapan ang mga kinunan na eksena ay nagawa naman ito ng maayos at naging maganda ang kanilang taping experience.
“Medyo challenging ang pagkaka-mount ng eksena namin sa sinkhole. We had to get ourselves dirty. Nevertheless masaya ang naging takbo ng taping.”
Para naman kay Klea, na-challenge siya emotionally sa isang eksena na naglalarawan ng isa sa kanyang pinakakinatatakutan sa totoong buhay.
“Pinaka-challenging scene na nagawa ko sa WKL is 'yung nakita ko sarili ko na patay na katabi ng mga mahal ko sa buhay na patay na rin, isa 'yun sa kinakatakutan ko in real life.
“Kaya habang kasama ko pa parents ko at mga kapatid ko, talagang nag-i-spend ako ng time with them kasi I believe na tomorrow isn't promised. Possible lahat mangyari sa isang iglap kaya hindi ako nag-aaksaya ng oras sa ibang bagay para makasama sila.”
Huwag palampasin ang nakakaantig na kuwento at mga nakabibilib na eksena sa bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-kwtaro ng hapon sa GMA-7.
RELATED:
Manood ng 'Wish Ko Lang' at manalo ng gadgets at GMA Affrodabox!
Spread good vibes and hope this pandemic with 'Wish Ko Lang' Viber stickers