
Ngayong Sabado (July 1), samahan natin si Dingdong Dantes sa kaniyang bagong adventure at mga kuwentong ibabahagi sa Amazing Earth.
Sa episode na ito, makakasama natin ang travel vlogger na si Joseph Pasalo a.k.a. Sef TV sa sementeryong matatagpuan sa scenic sandbar ng Cuaming Island, Inabangga, Bohol.
Tampok din sa Amazing Earth ang kuwento ng flash floods. Alamin kung paano ito mapaghahandaan ngayong tag-ulan.
Samantala, mapapanood din sa Sabado ang Africa's Deadliest (Season 5): Ultimate Adversaries mula sa nature-documentary ng Bomanbridge Media.
Panoorin ang bagong episode ng Amazing Earth ngayong Sabado, 6:15 p.m. sa GMA Network at via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: