
Kuwento ng isang kakaibang pamilya ang tampok sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "My Special Family," tungkol ito sa mag-asawang may limang anak at apat dito ay may "special needs" o 'yung may medical, mental, o psychological conditions na kailangan ng angkop na tulong.
Gaganap sina Gardo Versoza at Isay Alvarez bilang mag-asawang mangingisda na magkakaroon ng mga anak na may schizophrenia, epilepsy, developmental disorder, at learning disability.
Makakasama nila sa episode sina Shayne Sava, Therese Malvar, Barbara Miguel, Dave Bornea, at Shanelle Agustin na gaganap bilang kanilang mga anak.
Abangan ang brand-new episode na "My Special Family," January 24, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.