
Siksik sa adventure at mga exciting na kuwento ang bagong Friday episode ng Amazing Earth.
Sa Biyernes (January 12), ibabahagi ni Amazing Earth host Dingdong Dantes ang extreme adventure ng Sparkle artist at Kapuso weather presenter na si Maureen Schrijvers sa Tinabak Rock Formations.
Tampok din sa Amazing Earth ang annual Traslacion or procession of the Black Nazarene sa Quiapo, Manila. Ibabahagi ng seminarian and Nazarene devotee na si Alvin Lorca ang kahalagahan nito sa mga debotong Pinoy.
Hindi naman papahuli ang mga kuwento ni Dingdong mula sa nature-documentary series na “Reasons to Love."
Tutukan ang lahat ng ito sa Amazing Earth, 8:50 pm sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.