GMA Logo Amazing Earth
Photo source: Amazing Earth
What's on TV

Kuwentong kalikasan at katapangan, mapapanood sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino
Published November 19, 2021 3:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News

Amazing Earth


Alamin ang mga exciting at makabuluhang mga kuwentong hatid ni Dingdong Dantes sa 'Amazing Earth' ngayong Linggo, November 21.

Ngayong November 21, muling maghahatid ng iba't ibang exciting na kuwento si Dingdong Dantes sa Amazing Earth.

Sa episode ngayong Linggo, mapapanood ang Kapuso Primetime King sa Andres Bonifacio Shrine and Eco-Tourism Park sa Maragondon, Cavite. Iibabahagi ni Dingdong ang kuwento ng katapangan at pagsasakripisyo ng isa sa mga kilalang bayani ng ating bansa.

Amazing Earth

Photo source: Amazing Earth

Mapapanood rin sa Linggong ito ang kuwento mula sa miyembro ng One In An Army, ang global BTS fandom na sumusuporta sa iba't ibang social causes tulad ng ocean conservation and love for Mother Earth.

Hindi rin magpapahuli ang mga exciting na istorya mula sa BBC nature documentary na Serengeti.

Abangan ang lahat ng ito ngayong Linggo sa Amazing Earth, 5:20 p.m. sa GMA Network.