
Mapapanood sa Amazing Earth ang ilang masasarap at unique na dishes at kuwento ng epic journey.
Sa September 22, bibisita kay Dingdong Dantes ang celebrity chef at host ng Farm to Table na si Chef JR Royol. Ipaghahanda ni Chef JR si Dingdong ng masarap na Pinais na Bangus sa dahon ng mangga.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
Isa namang catch and cook vlogger ang mapapanood rin sa episode na ito. Ibibida niya ang isang unique na recipe na Kinilaw na Janitor Fish. Malalaman rin natin sa eksperto kung ligtas bang kainin ang invasive fish na ito.
Abangan rin ang kwento ni Dingdong Dantes tungkol sa epic journey mula sa nature documentary na Epic Yellowstone: Down the River Wild.
Huwag magpahuli sa exciting na episode na ito ng Amazing Earth, 9:35 pm sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SILIPIN ANG MGA AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: