GMA Logo Sanya Lopez and Johnny Manahan
What's Hot

Kuya Germs is smiling from heaven, says Mr. M after Sanya Lopez's contract renewal

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 29, 2021 4:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wage hike OK'd for Northern Mindanao minimum wage earners, kasambahays
Woman run over by bus in Davao City; dies
Marian Rivera welcomes the new year in luxurious designer jewelry

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez and Johnny Manahan


"Kung nasan man siya ngayon, nakangiti nang malaki si Kuya Germs," says GMA Artist Center consultant Johnny Manahan on Sanya Lopez.

"Kung nasan man siya ngayon, nakangiti nang malaki si Kuya Germs."

Ito ang sinabi ng consultant ng GMA Artist Center, ang kilalang starbuilder na si Mr. M kay Sanya Lopez matapos niyang mag-renew ng kontrata.

Si Kuya Germs kasi ang naging daan at tulay upang makilala si Sanya sa mundo ng showbiz.

Ayon kay Mr. M, hindi man sila nagkasama ni Kuya Germs sa GMA noon, naging magkaibigan sila dahil pareho ang mundo na kanilang ginagalawan.

Pagpapatuloy ni Mr. M, "Mula noon hanggang ngayon, malaki ang paghanga ko kay Kuya Germs, malalim ang respeto ko sa kanya.

"Kaya kapag tumatawag noon si Kuya Germs sa akin at humihingi ng artista 'yan, kahit nandoon ako sa isang artist center, go kaagad, parating go basta si Kuya Germs.

"Now Sanya, you are a rising star now, belonging to a new breed of artists sa Artist Center kaya ngayon, nakatukod kami sa likod mo, we will take care of you kahit anong mangyari sa karera mo."

Sumangayon naman si GMA Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong sa sinabi ni Mr. M na isa si Sanya sa legacy ni Kuya Germs.

Kuwento niya, isa si Sanya sa ipinagbilin ni Kuya Germs sa GMA noon.

"We've seen you grow with the company from where you started," saad ni FSY.

"I clearly remember as well na isa ka sa mga pinagbilin ni Kuya Germs, most of you are doing well.

"Kayo ang legacy ni Kuya Germs sa industry."

Para naman kay Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, hindi niya malilimutan ang panahon na pinapakilala pa lang sa kanila ni Kuya Germs si Sanya noon.

Pagbabalik tanaw niya, "Natatandaan ko tuwing bibitbitin ka ni Kuya Germs papunta sa 7th floor, dadalhin ka sa office ko, kumbaga iniikot ka sa 7th floor."

Para sa mga hindi nakakaalam, sa 7th floor ng GMA Network Center ang opisina ng GMA Entertainment Group.

"Talagang memorable sa amin 'yun, sa Entertainment Group, at sobrang proud kami na naging part kami ng growth mo sa network, na nabigyan namin ng magandang daan through our programs ang iyong career.

"And we are so, so proud of what you have achieved in the past years, and what makes me personally more proud is that you have remained humble despite all your achievements that really reflects the kind of Kapuso artist that we will always be proud of."

Balikan ang ilan sa mga tumatak na karakter ni Sanya sa Kapuso network DITO: