
Winelcome ni Kuya Kim Atienza ang bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Sadie.
Ipinakilala ni Kuya Kim si Sadie sa kaniyang Instagram account. Ayon sa TiktoClock host, "Welcome to our new adoptee Sadie, a 3 year old yellow lab!"
PHOTO SOURCE: @kuyakim_atienza
Hiling ni Kuya Kim ay sana mag-enjoy si Sadie kasama ang iba pa nilang furbabies.
"Hope you enjoy your life with the Atienza doggie pack!"
RELATED GALLERY: Celebrities and personalities who have adopted pets
Itinanong sa comment section ni Kuya Kim kung ilan na ang bilang ng furbabies nila sa kanilang tahanan.
Sagot ni Kuya Kim, "hahaha 46"
Tanong naman ng isang netizen ay kung ilan na ang fur babies nila na labrador. Sagot ni Kuya Kim, "5 na... all are adoptees ha"
Ilang netizens naman ang humanga sa pag-adopt ni Kuya Kim kay Sadie. Komento ng isang netizen, "Thank you for taking him in. You guys are saints!"
"Thank you for adopting, kuya Kim! You're the best!" saad ng isang nag-comment sa post ni Kuya Kim.
Ayon pa sa isang comment, isang furbaby ang mapapasaya ng pamilya nila Kuya Kim.
"Another happy furry baby. Sir @kuyakim_atienza and Mam Feliz thank you for taking him/her in your pack. God bless you both"
PHOTO SOURCE: Instagram
SAMANTALA, BALIKAN ANG FAMILY VACATION NILA KUYA KIM SA CALIFORNIA RITO: