What's on TV

Kuya Kim Atienza at Pokwang, ipinakilalang hosts ng 'Tanghalan ng Kampeon'

By Maine Aquino
Published February 8, 2024 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kuya Kim Atienza and Pokwang in Tanghalan ng Kampeon


Abangan ang 'Tanghalan ng Kampeon' sa 'TiktoClock' simula February 12.

Opisyal na ipinakilala sina Kuya Kim Atienza at Pokwang na hosts ng Tanghalan ng Kampeon.

Ang Tanghalan ng Kampeon ay mapapanood sa TiktoClock simula February 12.


Ang orihinal na hosts ng sikat na singing competition noong '80s ay sina Bert "Tawa" Marcelo at Pilita Corrales. Para sa pagbabalik ng Tanghalan ng Kampeon sa telebisyon ay magiging hosts naman sina Kuya Kim at Pokwang.

Sa bagong teaser ng TiktoClock para sa Tanghalan ng Kampeon ay ipinakita nila ang nakaka-excite na pagbabalik ng singing contest sa telebisyon.

Ayon kina Kuya Kim at Pokwang, "Muling magniningning ang galing ng Pinoy."

Abangan ang pagbabalik ng Tanghalan ng Kampeon sa TiktoClock sa darating na Lunes (February 12), 11:15 a.m. sa GMA Network.

Mapapanood din ang TiktoClock sa Kapuso Stream sa YouTube at sa TiktoClock official Facebook page.