
Itinalaga ang celebrity host na si Kuya Kim Atienza bilang bagong anti-piracy ambassador ng GMA Network.
Bahagi ito ng nagpapapatuloy na kampanya ng network na "Stream Responsibly. Fight Piracy."
Present sa oathtaking ni Kuya Kim ang ilang kinatawan ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), tulad nina Deputy Director General Atty. Ann Claire C. Cabochan at Directer General Atty. Rowel S. Barba.
Ang IPOPHL ang isa sa partners ng GMA Network sa kampanya.
Napili si Kuya Kim bilang anti-piracy ambassador dahil na rin sa kanyang matagal niyang experience bilang host at malawak na reach niya sa telebisyon.
Lubos ang pasasalamat ni Kuya Kim na matanggap ang karangalang ito sa pangatlong taon niya sa GMA Network.
"Ang illegal streaming sites po ay napaka harmful, hindi lang sa atin kundi sa ating mga anak. Ito po ay makakasira sa ating kabataan at sa ating hanapbuhay dito sa telebisyon, sa pelikula, at sa musika," pahayag niya.
Panoorin ang buong ulat tungkol kay Kuya Kim Atienza bilang bagong anti-piracy ambassador ng GMA Network sa video sa itaas.