GMA Logo Kuya Kim Atienza
PHOTO SOURCE: TiktoClock
What's on TV

Kuya Kim Atienza, balik trabaho na sa 'TiktoClock'

By Maine Aquino
Published November 13, 2025 12:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Italy mourns fashion icon Valentino
Cabbie obstructs emergency vehicle in 'reckless maneuver'
Lee Victor to perform debut single 'Nagkakahiyaan' on GMA Playlist's livestream this Friday

Article Inside Page


Showbiz News

Kuya Kim Atienza


Kuya Kim Atienza: "Gusto po ni Emman na ako po ay bumalik dito at magbigay ng saya."

Nagbalik na sa Kapuso variety show na TiktoClock ang host na si Kuya Kim Atienza.

Ito ay pagkatapos ng pagpanaw ng anak ni Kuya Kim na si Emman Atienza noong October 22.

Sa video na naka-post sa social media accounts ng TiktoClock, isang group hug ang ibinigay ng TiktoClock hosts para sa pagbabalik ni Kuya Kim sa programa. Sinundan naman ito ng pasasalamat ni Kuya Kim sa mga katrabaho at kaibigan sa TiktoClock.

"Guys, maraming salamat thank you very much. Pasensya na kayo kung hindi ko kayo masyadong na-entertain noong pumunta kayo kay Emman, ang dami talagang tao."

Saad pa ni Kuya Kim, "Gusto ko pong magpasalamat sa lahat na nag-send ng message, lahat po ng pumunta, lahat ng tumawag sa amin for Emman. Hindi ko po kayo mapasalamatan lahat pero kami po ay punong puno po ng pagmamahal ninyo. Thank you so much."

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

Inamin naman ni Kuya Kim na hindi pa madali ang bumalik sa trabaho.

"Hindi po madali ang bumalik sa trabaho. It's not back to normal pero gusto po ni Emman na ako po ay bumalik dito at magbigay ng saya. Sabi niya, "a little kindness everyday." Kapag happy po ang tao, kind tayong lahat."

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

Ayon kay Kuya Kim, sa TiktoClock niya maipakikita kung paano magbahagi ng kindness sa kapwa.

"Lalo na sa TiktoClock because this is a place where I can share kindness every single day. If I can share kindness, if I can be a little kinder today, Emman is alive in our hearts. Na-miss ko kayong lahat at na-miss kong mamigay ng pa-blessings!"

Patuloy na subaybayan ang TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA.

Remembering the life of Emman Atienza: