
Tila naging “man on the street trivia king” si Kuya Kim Atienza dahil sa kaniyang bagong informative show na Dami Mong Alam, Kuya Kim.
Ang “man on the street” ay isang ordinaryong tao na maaaring kapanayamin nang biglaan at impormal para makakuha ng immediate na reksyon mula sa publiko.
Matatandaan na sa ilang episodes ng naturang infotainment show ay lumalabas si Kuya Kim para kapanayamin ang ilang masasalubong niya na mga tao sa daan. Dito ay ipinapakita nniya ang ilang viral videos para hingin ang opinyon nila tungkol dito.
Ngunit dahil isa sa mga layunin ni Kuya Kim ay magbigay-aral, kasama sa kaniyang paglilibot ay pagbigay ng mga trivia sa ma nakakasalubong niya sa daan.
Game din ang tinaguriang “man on the street trivia king” na makipag-selfie sa mga Kapuso na nakakasalubong niya o kaya naman ay makipagkwentuhan sa kanila tungkol sa iba't ibang paksa.
Dahil sa paggagala ni Kuya Kim sa kalsada, pagtatanong at pagbigay niya ng trivia, talaga namang unti-unti nang nagiging “Man of the Street Trivia King” si Kuya Kim.
BALIKAN ANG MGA OPINYON NI KUYA KIM TUNGKOL SA TRENDING TOPICS SA GALLERY NA ITO: