
Maliban sa pagiging sikat na TV host, kilala rin ang Kapuso star na si Kuya Kim Atienza bilang isang motorcycle enthusiast. Maraming netizens ang napahanga niya dahil sa kanyang kaalaman at pagmamahal sa mga motor.
Ngunit, kailan kaya nagsimula ang kanyang nakakaaliw na hobby?
Sa online show na, Surprise Guest with Pia Arcangel, ikinuwento ni Kuya Kim kung paano niya natuklasan ang kanyang interes sa pagmo-motor.
Noong siya raw ay nasa kolehiyo, nanakaw ang kanyang ginagamit na kotse. Dahil kailangan niya ng personal na transportasyon, bumili muna ng motor si Kuya Kim.
"In college, ninakaw ang kotse ko. The beat-up Toyota Corona that I used to go to school, ninakaw siya. Sabi ko, 'Oh my gosh! Ninakaw kotse ko.' I was a college student. I was so dependent on the car. I used it to school and used it for my gimmicks. It was tied up to my status and my being." pahayag niya.
Pero binenta niya ang kanyang biniling motor dahil ayaw ito ng kanyang ama.
"Sabi niya, 'Hindi pwede 'yan, give it back.' I sold it again to the original owner. I have no motorcycle na," sabi niya.
Ngayon at wala na siyang masasakyan mula sa bahay ng kanyang magulang, nagdesisyon si Kuya Kim na tumira na lamang sa unibersidad. Doon din natuklasan niya ang kanyang pagmamahal sa bisikleta.
Kuwento niya, "What I did was I lived on campus with a friend. His dad was the president of UP din who lived in the executive house. What I used every day to go around campus was a bicycle. I took class in my cycling outfit and I was quite buffed din and I took my bicycle, a mountain bike, for many years and just go around. On weekends, I go back to my home on a bicycle. So my love affair with two wheels started way, way back, college pa lang."
Pagkatapos ng kolehiyo, bumukod si Kuya Kim sa kanyang mga magulang. Ngayon at independent living na ang Kapuso star, sinimulan niya ang kanyang koleksyon ng mga motor.
Aniya, "After college, since I was independent na, I have money na, I bought my first Vespa, it's a Vespa PX 1995 and that started my love affair again with motorcycle, scooters. I started a small collection of vintage motorcycles."
Ngunit noong nagkapamilya na si Kuya Kim, nagdesisyon ang TV host na ibenta muna ang kanyang koleksyon.
"When I got married and then I have kids, I put it at home first because my kids are growing up. I sold all of my Vespas. Recently, mga '20s, I wasn't riding for a long time, I got into Land Rovers naman," sabi niya.
Pagkalipas ng maraming taon, nabili naman ulit ni Kuya Kim ang kaniyang mga motor. Dahil malaki na raw ang kaniyang mga anak, itinuloy niya ang kaniyang koleksyon sa big bikes.
Ngayon, madalas ginagamit na ni Kuya Kim ang kanyang mga motor. Karaniwan din daw, inaangkas pa niya ang kanyang asawa na si Felicia tuwing date nights nila.