
Isang masayang voice over challenge ang ginawa ng TiktoClock host na si Kuya Kim Atienza.
Sa Instagram post ng TiktoClock, ipinakita ang "Walang mali sa voice over challenge with Kuya Kim."
Tampok dito ang kaniyang voice over para sa "Tanghalan ng Kampeon Season 2". Kasama niya sa kulitan sa TiktoClock ang ilang staff at sina Pokwang, Faith da Silva at Michael Sager.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Saad ng TiktoClock sa kanilang post, "Catch a glimpse behind-the-scenes of Kuya Kim's voice spiels! "
Ipinakita rin na nangako si Kuya Kim ng pizza kapag nagawa niya ang lahat ng voice overs nang walang mali. Ani Kuya Kim, "'Pag nagkamali ako, pizza."
Panoorin kung hindi nagkamali si Kuya Kim sa kaniyang voice over sa TiktoClock.
SAMANTALA, NARITO ANG SEASON 2 GRAND FINALISTS NG 'TANGHALAN NG KAMPEON':