
Sa recent episode ng Mars Pa More, isang nakatutuwang mensahe ang hatid ni Kuya Kim Atienza para sa mga kalalakihan tungkol sa pagmamahal sa kanilang mga misis.
"Tumatanda tayo at ang mga misis natin, hindi na rin kagandahan, hindi na balingkinitan, hindi na bata, ngunit pinakasalan natin. Dapat mahalin natin… sa anak na ibinigay nila sa atin, sa kaligayahan na ibinigay nila sa atin.
“Ibinigay ng mga misis natin ang mga buhay nila para sa atin. Dapat lamang na ibigay natin ang buhay natin para sa kanila,” pagbabahagi ni Kuya Kim.
Dagdag pa niya, “Love is not a feeling that comes and goes but love is a choice that you make day-to-day. Mahal natin ang mga misis natin, importante 'yan.”
Bago pa ito, sumabak rin ang Kuya ng Bayan sa “Grab-A-Word” segment ng programa at nakuha ang salitang "future" upang sagutin ang secret revealing question of the day.
Photo courtesy: Mars Pa More (show page)
Aniya, “Kapag iniisip ko ang future ko, so far, being with Feli forever and ever and ever na lang, sapat na.”
Tinanong naman ni Iya kung ano ang naging hugot ng television host para sa kanyang sagot.
Kuwento ni Kuya Kim, “Coming from 20 years of marriage and we're empty nesting.
“It's going to be the two of us so we really have to work on the relationship na dalawa lang kami."
Kamakailan lamang, ipinagdiwang nina Kuya Kim at ng asawa niyang si Felicia ang kanilang 20th wedding anniversary at nagbahagi ng sweet na mensahe ang una para sa kanyang misis sa social media.
Biniyayaan din sila ng tatlong anak na sina Jose, Eliana, at Emmanuelle.
Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, tutok lamang sa Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes sa GMA.
Samantala, kilalanin muli si Kuya Kim Atienza sa gallery na ito.