GMA Logo Kim Atienza and Felicia Atienza
What's on TV

Kuya Kim Atienza, naging emosyonal sa mensahe ng kanyang pamilya sa 'Mars Pa More'

By Dianne Mariano
Published November 8, 2021 5:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spurs assert themselves, take down Thunder again in Christmas spotlight
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Atienza and Felicia Atienza


Hindi napigilang maging emosyonal ng bagong pars na si Kuya Kim Atienza matapos marinig ang mensahe ng tatlong anak at asawa para sa kanya. Alamin ang buong sorpresa DITO:

Isang warm welcome ang natanggap ng “Kuya ng Bayan” na si Kim Atienza mula sa kanyang co-hosts na sina Iya Villania at Camille Prats sa Mars Pa More ngayong November 8.

May sorpresa ring hinanda ang dalawang Mars hosts para sa kanilang bagong “Pars” at ito'y mga mensahe mula sa ilang Kapuso celebrities gaya nina Rayver Cruz, Jon Lucas, The Boobay and Tekla Show hosts Boobay at Tekla, at Eat Bulaga! Dabarkad Allan K.

Bukod sa Kapuso stars, may mensahe at interesting trivia naman na hatid ang pamilya ni Kuya Kim at hindi napigilang maging emosyonal ng huli matapos marinig ang mga ito.

Kuya Kim AtienzaPhoto courtesy: GMANetwork (YouTube)

Una na rito ang anak ng "Kuya ng Bayan" na si Eliana na nagbigay ng trivia tungkol sa sumbrero ng kanyang ama.

Aniya, “Did you guys know that my dad has multiple of the same hat that he switches around when one gets dirty? Yeah (laughs) I wish you the best of luck on your new show. I love you so much and I hope that you do amazing. Love you.”

Ibinahagi naman ng panganay na anak ni Kuya Kim na si Jose, na kasalukuyang nasa Boston, na maging sa kanilang tahanan ay hindi nawawala ang pagiging “Kuya Kim” ng kanyang tatay.

“He doesn't wear the hat but he tells us everything that he knows about the most random topics, be it the roots about a certain word or literally what he just did on TV 30 minutes ago. So, that's a fun fact about Kuya Kim that you didn't know.

“Good luck in your new show on GMA, Mars Pa More. I love you and I'll see you in December when I'm back in the Philippines. Love from Boston,” pagbahagi niya .

Sumunod naman dito ay ang isa pang babaeng anak ng “Kuya ng Bayan” na si Emmanuelle na nagbigay ng nakatutuwang trivia tungkol sa TV personality.

Wika niya, “I would like everyone online to know that my dad snores a lot when he sleeps and that's my piece of trivia. So sorry I'm not in the Philippines to greet you but I really hope that you have so much fun and good luck. I love you so much.”

At syempre, ang asawa ni Kuya Kim na si Felicia Hung-Atienza ang pinakahuling nagbigay ng trivia tungkol sa bagong pars--ang pag-i-intermittent fasting nito.

Pagbahagi ni Felicia, “His fasting window is about 12 to 16 hours every day. So, why does Kuya Kim do IF? Well, he does IF because it sharpens the brain and also because it has many beneficial effects to the body. And so Kuya Kim, we wish you all the best in the launch of Mars Pa More today.”

Naluha naman ang "Kuya ng Bayan" matapos marinig ang mga mensahe ng kanyang pamilya at pinasalamatan ang buong team ng Mars Pa More.

Panoorin ang nakatutuwang sorpresa kay Kuya Kim Atienza sa Mars Pa More video sa itaas.

Patuloy na subaybayan ang Mars Pa More kasama sina Iya, Camille, at Kuya Kim tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.

Samantala, muling kilalanin ang “Kuya ng Bayan” sa gallery na ito: