
Pati ang TiktoClock host na si Kuya Kim Atienza ay na-hook na rin sa P-pop craze matapos mapanood ang live performance ng SB19.
Kasama ni Kuya Kim ang kanyang co-hosts na si Jayson Gainza at Faith Da Silva nang tanungin kung anong P-pop group ang kanilang kinagigiliwan.
Unang sumagot si Faith at sinayaw ang "Gento" ng SB19.
Dali-dali ring sumagot si Kuya Kim, "Ay pareho tayo!"
"Noong una kung napanood ang SB19 dito, yung 'MAPA', pagkatapos ko marinig iyon, naging fan ako," kuwento ni Kuya Kim.
Inilaglag nina Jayson at Faith na nakita nilang napaiyak si Kuya Kim sa kanta ng P-pop group.
Pag-amin ni Kuya Kim, "Oo, since that time onwards, fanboy ako ng SB19."
Binati rin nina Jayson at Faith ang galing sa pag-perform at pagsayaw ng grupo.
Sabi ni Jayson, "Oo, ang gagaling sumayaw, kumanta, nakakahingal 'yun ha."
"Total performer," dagdag ni Faith.
Patuloy na subaybayan sina Kuya Kim, Faith, at Jayson sa TiktoClock tuwing weekdays, 11:00 am, sa GMA Network.
Tingnan naman dito ang kulitan moments ng TiktoClock hosts: