GMA Logo Kuya Kim Atienza
What's on TV

Kuya Kim Atienza, naging miyembro ng Maskman?

By Aedrianne Acar
Published August 10, 2025 11:56 AM PHT
Updated August 10, 2025 1:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kuya Kim Atienza


'Ticktoclock' host na si Kim Atienza, nagkuwento sa buhay niya nang maging voice talent sa 'Your Honor.'

Kilala man ngayong bilang sikat na host at trivia master si Kim Atienza o mas kilala bilang si Kuya Kim, na-experience rin ng Ticktoclock host na magtrabaho bilang voice talent at dubber noong '80s.

Inalala ni Kuya Kim ang trabaho niya noon nang sumalang sa session ng Your Honor nitong Sabado, August 9. At ibinida pa niya sa House of Honorables na sina Chariz Solomon at Buboy Villar na nabigyan siya ng pagkakataon na maging voice talent sa isang anime series.

Kuwento niya sa Your Honor, “Alam n'yo matagal ko na pinangarap nung ako ay bata pa lang na mapunta sa telebisyon. Ngunit noong 1980s kinakailangan perpekto ang inyong mukha. Ang Buboy [Villar], ang Chariz [Solomon] at ang Kuya Kim wala tayong lugar nu'n. Ang lugar natin noon, kontrabida o comedy lamang”

Biro pa niya “Ang dating ko, iisipan mo pa para magkaroon ng dating.”

Pagpapatuloy ni Kuya Kim, “Noong 1980s kailangang Aga Muhlach ka, perpekto. Walang kaliwa, walang kanan, walang angulo. Kahit ano'ng angulo puwede. Perfect symmetry.”

“Ang nangyari nung nag-auditon ako sa mga commercial, hindi ako nakuha dahil nga kulang. Pero, narinig ang boses ko.

“Nung narinig nung auditioneers , sabi niya, 'bakit hindi ka mag-audition [sa] voice commercials?'”

“Pasok agad! Unang audition pasok agad and then nanganak 'yung mga voice commercials ko, naging dubbing.

“ˈYung grupo na gumawa ng Maskman. Ako si Red Mask, ang karakter ko dun sa Red Mask ay si Takeru.”

Watch Kim Atienza's full interview on Your Honor in the video below!

RELATED CONTENT: Get to know Kapuso host Kim Atienza