
Isang sorpresang pagbati ang natanggap ni Kuya Kim Atienza mula kay Pokwang para sa kaniyang kaarawan.
Ginanap ngayong January 22 ang birthday episode ni Kuya Kim Atienza sa TiktoClock. Sa unang bahagi ng episode na ito ay sinorpresa agad si Kuya Kim ng birthday greeting mula kay Pokwang.
Saad ni Pokwang sa kaniyang video message, "Hello Kuya Kim, I miss you! Happy happy birthday to you. May you have more blessings and good health sa lahat ng mga mahal mo."
Dugtong pa ni Pokwang, "Nawa'y lagi kang ingatan ni God. I love you. I miss you so much, Kuya Kim. Happy birthday!"
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Kitang kita naman ang saya ni Kuya Kim sa pagbati at sorpresa ni Pokwang sa kaniyang kaarawan.
Ani Kuya Kim, "Mamang, miss ka na rin namin. We love you, Mamang. Thank you very much!"
Panoorin ang pagbati ni Pokwang dito:
Samantala, patuloy na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA.