
Si Kuya Kim Atienza ang nagbigay ng regalo sa kanyang birthday episode sa TiktoClock.
Si Nevin Garceniego ng The Voice Kids ay ang nakatanggap ng regalo mula sa TiktoClock host ngayong January 24.
Bago sorpresahin ni Kuya Kim si Nevin, inilahad muna ng young singer ang kanyang wish sa kaarawan ni Kuya Kim. Ani Nevin, "Kuya Kim, ang wish ko po sa'yo ay maging safe ka po palagi at healthy po."
Nagpasalamat naman si Kuya Kim at inilahad na may inihanda siya para sa kanyang bisita.
"Maraming salamat. At maraming salamat na dumating ka dito. Actually happy kami sa pagdating mo dito. Alam mo bang mayroon kaming surprise para sa'yo?"
Ikinuwento ni Kuya Kim na noong Pasko ay sinabi ni Nevin sa TiktoClock ang kanyang Christmas wish. Saad ni Kuya Kim, "Kung maalala niyo po mga Tiktropa, noong Christmas sabi ni Nevin sa TV, gusto niya ng isang regalo."
Pag-amin ni Nevin, "Bike po."
Ipinakita naman ang saya ni Nevin na natupad ni Kuya Kim ang kanyang Christmas wish na bike.
Panoorin ang sorpresang regalo ni Kuya Kim kay Nevin dito:
SAMANTALA, NARITO ANG BIRTHDAY EPISODE NI KUYA KIM SA TIKTOCLOCK: