
Pinag-usapan nina Boy Abunda at Kuya Kim Atienza ang pag-trending ng Kapuso actress at host na si Camille Prats sa pagbisita ng renowned TV personality sa programang Fast Talk with Boy Abunda.
Sa nasabing programa, tinanong ng King of Talk si Kuya Kim tungkol sa pag-viral ni Camille sa social media. Ayon sa Kapuso host, siya ay natatawa pa rin sa tuwing naalala ang pag-trend ng Kapuso star.
“Si Camille, 'yan ang ano e… Ginawa nila sa TiktoClock 'yan kasi namatayan ako e. Nag-spiels muna sila at sinabi nila na 'Kuya Kim, mahal ka namin.' Sabay pasok si Camille Prats. Pagtingin ko, trending na siya e, siguro mga 5,000 comments na nung nakita ko at natawa ako, Boy. Natanggal ang lungkot ko.
“Very effective si Camille Prats sa akin. Talagang 'pag nakikita ko, hanggang ngayon natatawa pa rin ako. Hanggang kay Juan Ponce Enrile, Camille Prats. Pagdating kay Imee Marcos, Camille Prats pa rin, hanggang Miss Universe, Camille Prats. Siya na ang Pambansang Dopamine, The Dopamine of Asia,” aniya.
Sa isang episode ng Kapuso countdown variety show na TiktoClock nitong Oktubre, matatandaan na nagbigay ng emosyonal na mga mensahe ang mga host para kay Kuya Kim kasunod ng pagpanaw ng anak nito na si Emman.
Sa kabila ng pagbibigay ng mensahe ng mga host para kay Kuya Kim, sinalubong nila nang masaya si Camille na sumalo muna sa posisyon ng una.
SAMANTALA, TINGNAN ANG SWEET FAMILY MOMENTS NI KUYA KIM ATIENZA SA GALLERY NA ITO.