
Puno ng pasasalamat sa mga blessings sa kaniyang buhay si Kuya Kim Atienza sa ginanap na birthday episode sa TiktoClock.
Ngayong January 24, nag-celebrate si Kuya Kim ng kaniyang 57th birthday kasama ang kaniyang mga kaibigan sa industriya.
Saad ni Kuya Kim sa birthday episode ng TiktoClock, "Nag-e-enjoy ako, napakasarap na nagtatrabaho ka during your birthday. Kasi itong trabahong ito, itong TiktoClock, blessing 'to e."
Dugtong pa ni Kuya Kim, "Regalo ni Lord 'to, dapat lang na enjoyin natin nang todo-todo."
RELATED GALLERY: Meet the #KuyaNgBayan, Kim Atienza!
Nagpasalamat din si Kuya Kim sa mga Tiktropa dahil sa patuloy na suporta sa kanilang programa.
Ani Kuya Kim, "Sa lahat ng mga Tiktropa, maraming maraming salamat sa lahat ng suportang ipinakita po ninyo."
Hindi naman nakalimutan ni Kuya Kim ang pagpapasalamat sa kaniyang TiktoClock family.
"My TiktoClock family, thank you very much, I love you. I look forward araw araw na pupunta ako rito, talaga naman I look forward kasi hindi naman trabaho 'to e."
Bumisita kay Kuya Kim sa araw na ito ang mga kaibigan niyang sina GMA Network's Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, and President of GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes, Shintaro Valdes, Niño Muhlach, at Eugene Domingo. Si Eugene ay dumalo sa kaarawan ni Kuya Kim bilang guest co-host ng TiktoClock.
Bago magtapos ang masayang episode kanina ay inilahad ni Kuya Kim ang kaniyang birthday wish at pagpapasalamat sa blessings sa buhay.
"Ang wish ko, mga Tiktropa, ibinigay na po sa akin ng Panginoon ang napakaraming bagay talaga. I just want to be closer to Him, and be more like him. Sabi nga nila, seek first the kingdom of God and his righteousness, and all else will follow. Career, family, kung ano man ang kailangan mo, nandiyan 'yan pagkatapos ng panginoon."
Para sa TiktoClock, ang hiling ni Kuya Kim ay magtagal pa ito ng marami pang taon ng pagpapasaya sa telebisyon.
"Ang wish ko sa TiktoClock, sana magtagal tayo ng 25 years or more."
Happy birthday, Kuya Kim!