GMA Logo Kuya Kim Atienza
What's on TV

Kuya Kim Atienza reveals biggest mistake he did during his younger years

By Dianne Mariano
Published May 27, 2022 5:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Kuya Kim Atienza


Ano kaya ang malaking pagkakamali na nagawa ni Kuya Kim Atienza noong kabataan niya? Alamin ang kanyang kuwento rito.

Sa isang recent episode ng Mars Pa More, inilahad ni Kuya Kim Atienza ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya noong kabataan niya.

Ayon kay Kuya Kim, nangyari ang kanyang malaking pagkakamali noong siya ay teenager.

PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page)


Kuwento niya sa "Balasa, Bahara, Sagot" segment ng programa, “Noong nag-seminaryo ako, masyado akong na-repress. At noong na-repress ako pagkatapos ko mag-seminaryo, bumalik ako sa ordinary high school, nagwala ako nang todo todo.

“I was in my teens, nagsigarilyo ako, sinubukan ko lahat ng bagay. Bumagsak tuloy ako ng eskuwela but that was because of repression dahil doon sa ilang taon ko sa seminaryo.”

Dagdag pa niya, “Pero it made me who I am now. I am successful because of all these mistakes that I've corrected and made me stronger.”

Nagbigay din ng payo si Kuya Kim para sa kanyang mga anak at sinabi, “Ang advice ko sa mga anak ko, mag-aral kayo nang husto sa high school at sa college and then after that, you can relax a little bit.”

Panoorin ang “Balasa, Bahara, Sagot” segment sa Mars Pa More video sa itaas. Maaari n'yo ring mapanood ito DITO.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing umaga sa GMA.

Samantala, kilalanin pa si Kuya Kim Atienza sa gallery na ito.