
Isang mensahe ng pasasalamat ang hatid ni Kapuso television host Kuya Kim Atienza ngayong finale week ng Mars Pa More.
Sa Instagram, ibinahagi ni Kuya Kim na siya ay blessed na mapabilang sa morning talk show na ito nang halos isang taon. Bukod dito, pinasalamatan din niya ang kanyang fellow hosts na sina Iya Villaniaat Camille Prats.
Sinulat niya sa caption, “All good things must come to an end. It was a good 10-year run. I have been blessed to be part of @gmamarspamore for almost a year!
"Thank you @camilleprats and @iyavillania, you shall be my sisters forever!”
Tiyak na punong-puno ng saya ang weekday mornings n'yo kasama sina Mars Iya, Camille, at Pars Kim ngayong huling linggo ng Mars Pa More.
Iba't ibang celebrity guests ang ating makakasama para sa morning chikahan at good vibes gaya nina Kapuso stars Dasuri Choi, EA Guzman, Ashley Rivera, Thou Reyes, Pancho Magno, Mark Herras, Boobay, at ang mag-amang Benjie at Andre Paras.
Bukod dito, makakasama rin ang OG Mars na si Suzi Entrata-Abrera!
Abangan ang bonggang celebration at grand reunion ngayong finale week ng Mars Pa More, 8:45 a.m., sa GMA.
Samantala, silipin ang most-viewed episodes ng Mars Pa More noong 2021 sa gallery na ito.