
Maagang nag-celebrate ng kaarawan sa TiktoClock ang TV host na si Kuya Kim Atienza.
Ngayong January 22, naghanda ang TiktoClock na espesyal na selebrasyon para kay Kuya Kim. Inilahad naman ni Kuya Kim ang kaniyang wish para sa kaniyang 59th birthday.
Unang wish ni Kuya Kim ay para sa kanilang programang TiktoClock.
"Marami akong mga wish, ang wish ko itong TiktoClock ay sana magpatuloy ang blessings natin dito. Pang-apat na taon na natin and may we go on strong.
Para naman sa personal wish ni Kuya Kim, inamin niyang ito ang pinakamahirap niyang kaarawan na ise-celebrate dahil wala na ang kaniyang anak na si Emman Atienza.
Si Emman Atienza ay pumanaw noong October 22, 2025.
Kuwento ni Kuya Kim sa TiktoClock sa episode noong January 22, "My personal wish for myself naman, this is the toughest birthday in my life because this is the first birthday na wala 'yung anak ko, wala si Emman e. But I'd like for the memory of Emman to continue with kindness, good vibes, and may people celebrate her life. May my birthday be the start of it."
Nagpasalamat din si Kuya Kim sa Panginoon sa kaniyang kaarawan ngayong taon.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
"Thank you Lord also, maraming salamat Lord. Thank you for my life, thank you for my family, thank you for my work, thank you for my experience, and thank you for everything that you've given me."
Bukod sa pagbati ng TiktoClock hosts at guests kay Kuya Kim, nag-iwan din ng mensahe ang ilang mga malalapit sa puso ni Kuya Kim. Sila ay sina Geneva Cruz, Tala Gatchalian, Jerald Napoles, Doc Yappy o Dr. Eric Yapjuangco, at Dingdong Dantes.
Mensahe naman ni Kuya Kim sa mga kaibigang nakaalala sa kaniyang kaarawan, "Ang totoong pakikipagkaibigan hindi naman dapat 'yan madalas kayo nag-uusap, madalas kayo nagkikita. Ang tunay na magkakaibigan 'pag nagkita kayo, kahit ilang taon na, magkaibigan pa rin kayo. 'Yan ang marka ng tunay pagkakaibigan."
Patuloy na subaybayan ang TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA.
RELATED CONTENT: Remembering the life of Emman Atienza