
Kabilang si Kuya Kurt sa cast ng "Viral Yaya", ang upcoming episode ng Magpakailanman.
Mapapanood si Kuya Kurt sa television drama anthology series bilang isang International British businessman na ang pangalan ay William.
Si William ang amo ni Nolyn, ang Viral Yaya na bibigyang buhay ni Rikki Mae Davao sa serye.
Bukod kay Rikki, kasama rin ni Kuya Kurt sa naturang episode sina Jackie Lou Blanco, Soliman Cruz, Kazel Kinouchi, at iba pa.
Isang American content creator si Kuya Kurt na kilala rin ng marami bilang si Tagalog Kurt.
Abangan siya sa brand new episode na "Viral Yaya," ngayong Sabado, February 7, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Mapapanood din ang episode na ito sa Kapuso Stream.