
From vlogging era to mainstream media!
Maraming natuwang fans nang makita nila ang American vlogger na si Kuya Kurt o Kurt Harris in real life nang gumanap siya bilang paresan owner sa GMA Prime series na The Master Cutter.
Ramdam ang excitement ng supporters ni Kuya Kurt na natural lang ang pag-arte habang ka-eksena si Dingdong Dantes.
Sa exclusive interview ni Kurt sa GMANetwork.com, ibinahagi niya ang experience na maka-eksena ang A-list actor ng bansa.
Nakakatuwa raw na makita ang tulad ni Dingdong napaka-down to earth at magaling makisama sa buong production team.
Kuwento niya, “Si Dingdong professional siya in every sense of the word. Yung napansin ko sa kanya 'pag dumating na siya sa set he takes the time para kumustahin niya ang bawat tao sa set. Sobrang bait!
“May time siya for selfies and then siyempre 'yung skills ng buong cast and crew, na-impress talaga ako. So, I'm very excited to be apart of this great project.”
Source: GMANetwork.com
Tila nagbalik daw si Kurt sa pag-aaral dahil ang dami niya natutunan sa aktor na kabilang sa GMA Prime series.
“'Yung first ko napansin sa set is how napaka-focus ang bawat tao. Kahit anong trabaho mo sa set or the crew, or the cast- ang sipag nila talaga! Always working, 'yung mga actor sobrang galing.”
Dagdag ng content creator, “I'm learning so many things, ang dami ko natutunan sa set [lalo] na 'yung mga kinakailangan to become a great actor, nakikita ko 'yung kagalingan ng ka-eksena ko ganun. Na-amaze ako sa mga tao diya, the story-telling. Lahat-lahat, it's such a great feeling of being on set, nakikita ko talaga 'yung vibes diyan.”
Ready naman kaya si Kuya Kurt na pasukin ang show business ang maging full-time actor?
Sagot niya sa GMANetwork.com, “Open ako talaga, kasi mahilig talaga ako sa story-telling at isa sa pinaka main reason na pumasok ako sa vlogging noong 2023-2024. So, mahilig ako sa mga story-telling. For example, 'yung story-telling dito sa The Master Cutter ang ganda niya.”
Mapapanood ang The Master Cutter, Mondays-Fridays sa oras na 8:00 p.m., pagkatapos ng 24 Oras.
RELATED CONTENT: The Master Cutter's most irresistible actors