GMA Logo Kuya Kurt Tagalog Kurt
Courtesy: Unang Hirit, GMA
What's Hot

Kuya Kurt, na-enjoy ang kanyang acting era

By EJ Chua
Published July 9, 2026 6:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Jinggoy Estrada sought impeachment trial furlough from wrong court division
DOH hospitals in Ilocos on Code White amid #IndayPH threat
Heart Evangelista shines at Max Mara Shanghai celebration

Article Inside Page


Showbiz News

Kuya Kurt Tagalog Kurt


Live na nakipagkwentuhan si Kuya Kurt sa Unang Hirit Barkada.

From vlogging to acting na ang peg ngayon ng American content creator na si Kurt Harris na mas kilala bilang si Tagalog Kurt o Kuya Kurt.

Bumisita si Kuya Kurt sa Unang Hirit Kitchen nitong Huwebes, July 9, at kasabay ng pagluluto niya ng breakfast ay nakipag kwentuhan na rin siya sa UH Barkada.

Ayon kay Kuya Kurt, na-enjoy niya ang set at mga eksena, at hanga siya sa co-stars niya sa 'The Master Cutter' ang seryeng pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Sabi niya, “Natutuwa ako sa bawat beses na nasa set ako. 'Yung cast and crew ang galing talaga. Talagang masters of the craft sila.”

Napapanood si Kuya Kurt sa 'The Master Cutter' bilang isang vendor ng pares.

Kilala si Kuya Kurt o Tagalog Kurt sa paglilibot sa iba't ibang lugar sa Pilipinas upang subukan ang mga pagkaing Pinoy.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 6.5 million followers si Kuya Kurt sa Facebook.

RELATED CONTENT: Meet Kuya Kurt, the American content creator loved by many Filipinos