
Isang paalala ang gustong iwan ni Kuya sa Big Four Duos ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bago ang Big Night ngayong araw, July 5 na idaraos sa New Frontier Theater.
Sa isang episode ng PBB, makabuluhan ang mensahe ni Kuya para sa kanyang housemates bago sila lumabas ng kanyang bahay.
Sabi niya, “Nitong linggo, unti-unti ninyo nasilayan ang repleksyon ng mundo na naghihintay sa inyong paglabas. At sa mundong iyon, hindi laging maganda ang maririnig ninyo.
“May balitang magpapangiti sa inyo at meron din balitang susubok sa inyong tibay at paninindigan. Nasa inyong mga kamay kung paano n'yo pipiliin tanawin ang lahat.”
Dagdag ni Kuya, “Piliin n'yo sana makita ang kabutihan, ang pag-asa at ang liwanag sa gitna ng dilim. At maging matapang kayo na harapin ang masakit at tanggapin ang totoo.”
@gmanetwork Proud na proud kami sa inyo, Big 4 Duos! ❤️💙 #KapusoFeels #PBBCollabWithGMA #CharEs #RaWi #AZVer #BreKa ♬ original sound - GMA Network
Maglalaban ang duo nina Charlie Fleming at Esnyr (ChaRes); Ralph De Leon at Will Ashley (RaWi); AZ Martinez at River Joseph (AZVer) at Brent Manalo at Mika Salamanca (BreKa) para sa titulo na Big Winner Duo.
Ang mananalong duo sa Big Night ay mag-uuwi ng grand cash prize na PhP 1 million each.
RELATED CONTENT: