What's on TV

Kyla, the new leader of Ligang iLike

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 24, 2020 10:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



GMANetwork.com sat down with Kyla for an exclusive interview. Find out more about Kyla's new team in Sunday All Stars

Ang Philippines' R&B and Soul Princess na si Kyla Alvarez ang bagong leader ng Ligang iLike para sa cycle two ng Sunday All Stars. Ang bagong Ligang iLike ay binubuo nina Mark Bautista, Winwyn Marquez, Diva Montelaba, Aicelle Santos, Steven Silva, Rocco Nacino, Barbie Forteza, Derrick Monasterio, at Kylie Padilla. Puspusan na rin ang kanilang pag-eensayo para makamit ang Best Team Performance award. Mababawi kaya nila ang titulo mula sa InstaGang na kapapanalo lang last Sunday?

Last September 14, 2013, GMANetwork.com sat down with Kyla for an exclusive interview. Find out more about Kyla in this article.

“More of team work, lahat kami nagbibigay ng mga suggestions. Okay naman masaya, actually.. hihi (laughs),” ang bungad niya sa amin ng tanungin namin siya kung anong strategy ng bagong Ligang iLike.

Hindi inasahan ang pagreshuffle ng members sa ibang grupo sa huling araw ng season one ng Sunday All Stars. Kabilang si Kyla sa grupong InstaGang noon, hindi ba niya namimiss ang mga dati niyang ka-grupo?

“Siyempre, ‘yung dati kong group nakuha na, may chemistry na. Itong bago kong group binubuo ulit. Nag-start from scratch pero ang gagaling ng members ng Ligang iLike so di naman ako nahirapan mag-adjust with everyone, especially kay Mark [Bautista] , ang kulit pala nu’n in real life.”

Dagdag pa niya, “malaking tulong si Mark Bautista kasi talagang sinuportahan niya ako. Medyo kinakabahan kasi ako dahil first ko [maging leader].”

Ano naman ang masasabi niya sa bagong members ng Ligang iLike?

“Luckily lahat ng members ko naman pag nagchachat kami, lahat naman sila nagrerespond, very cooperative sila. So, wala ako naging problem. Meron lang siguro ‘yung mga iba ‘di nakakarehearse dahil sa [busy] schedule.”

Kumpiyansa ba siyang manalo this Sunday? “Pwede, kasi effort talaga kami. Although narinig ko, like the other teams magaganda din [ang performance nila]. Kailangan lang namin bigyan ng extra push pa [ang performance namin] para mas maging maganda ang outcome ng production namin.”

Sa pagtatapos ng aming interview, tinanong namin kung ano’ng meron ang Ligang iLike na wala ang ibang team kaya sila ang karapat-dapat sa Best Team Performance award?

“Aba! Tatlo kaming best performers sa season one, ako, si Mark, si Kylie. ‘Yung iba may best performers din pero marami kami, tatlo kami,” ang pagmamalaki niyang sabi.

Find out who will win the Best Team Performance and Best Performer awards this Sunday in Sunday All Stars,12 noon, only on GMA. For more updates of Kapuso shows and stars, log on to www.gmanetwork.com. -- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.