GMA Logo Kylie Padilla and Andrea Torres
What's Hot

Kylie Padilla and Andrea Torres reveal the most challenging part of shooting 'BetCin'

By Aimee Anoc
Published October 14, 2021 7:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Beyonce, Venus Williams, Nicole Kidman to co-chair 2026 Met Gala
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and Andrea Torres


"It was really hard to be away from my kids. Pero sabi ko nga sa sarili ko, if I do accept a project it has to be worth the time away from them." - Kylie Padilla

Ibinahagi nina Kylie Padilla at Andrea Torres kung ano ang pinakamahirap na parte habang ginagawa ang upcoming series na BetCin.

Ayon kay Kylie, ang mawalay sa kanyang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo ang pinakamahirap sa kanya.

"For me it's more personal. It was really hard to be away from my kids. Pero sabi ko nga sa sarili ko, if I do accept a project it has to be worth the time away from them and the risk 'di ba kasi everytime you go out there's a risk," pagbabahagi ni Kylie.

"But this project was so worth it and I know it. Hindi pa kami nag-i-start alam ko na mae-enjoy ko ito kaya rin umoo ako kasi it's worth it. It was worth all of those risk and be away from my kids pansamantala. I know rin na kapag napanood nila ito in the future, I think they will really like it, too," dagdag niya.

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)

Para naman kay Andrea, nahirapan siya sa schedule dahil may ginagawa rin siyang serye. Kaya naman sobra ang pasasalamat nito nang makuha ang karakter ni Cindy.

"'Yung pinaka-challenge for me was 'yung schedule kasi I was shooting a soap nu'ng ginagawa itong BetCin. Doon ako natakot na kasi nu'ng nabasa ko 'yung script na-attach na ako agad kay Cindy. Alam ng manager ko ito na 'yung paiyak na talaga ako roon sa 'Oh my goodness baka mamaya hindi ko s'ya magawa.'”

"Kaya sobrang grateful ako sa WeTV and kela direk na nahintay nila. And sa universe na hinayaan pa ako ng universe na makaabot pa sa deadline nila kasi nga ayoko talagang pakawalan si Cindy. First 15 minutes pa nga lang nang pagbasa ko sa script, hindi pa ako tapos ginrab ko na 'akin na 'yan si Cindy, okay na gagawin ko na ito!' Ganoon ako na-in love sa kanya," paliwanag ni Andrea.

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres)

Dagdag pa nina Kylie at Andrea, mahirap din para sa kanila nang matapos na ang BetCin dahil napamahal na sa kanila ang buong cast at crew nito.

Gumaganap bilang social media celebrity couple ang dalawang aktres sa serye. Gagampanan ni Kylie ang karakter ni Beth at bibigyang buhay naman ni Andrea ang karakter niyang si Cindy.

Mapapanood na ang BetCin sa WeTV sa darating na October 15, 8 p.m. Abangan ang mga bagong episode tuwing Biyernes.

Samantala, tignan sa gallery na ito ang sweet moments nina Kylie Padilla at Andrea Torres para sa BetCin: