
Parami ng parami ang nagnanais na masilayan ang munting prinsipe ni Kylie Padilla na si Baby Alas.
Kamakailan ay bumisita ang pinsan Kylie na si Lexi Fernandez, anak ng magaling na aktres na si Maritoni Fernandez.
Ibinahagi ni Lexi sa kanyang Instagram followers ang kanyang naging pagbisita.
"Tonight, I met my nephew, and he was nothing short of perfect. Alas, you're an angel from above & tita Lexi loves you so much."
Huling napanood si Lexi sa GMA sa Because of You taong 2015.