GMA Logo Kylie Padilla and Andrea Torres
What's Hot

Kylie Padilla at Andrea Torres, sa pagtatapos ng 'BetCin': 'Sobrang nakatataba ng puso na nagustuhan ninyo'

By Aimee Anoc
Published November 22, 2021 5:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and Andrea Torres


"Sana magka-season two talaga." - Kylie Padilla

Sa pagtatapos ng BetCin, kapwa nagpapasalamat sina Kylie Padilla at Andrea Torres sa umaapaw na suportang natatanggap nila para sa serye, lalo na sa kanilang mga tagahanga, ang "Umamis."

Sa Instagram, ibinahagi ni Andrea kung gaano siya ka-proud na ginawa ang proyektong ito kasama si Kylie.

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres)

"[BetCin] finale on WeTV Philippines. Congratulations Babe [Kylie Padilla]! I am so proud of this project," pagbabahagi ni Andrea.

Ipinarating din ni Kylie ang pag-aasam niya na magkaraoon ng season two ang eight-episode series.

"I just wanna say thank you. Thank you for the support para sa 'BetCin.' Sobrang nakatataba ng puso na nagustuhan n'yo ang kuwento nina Beth at Cindy," pagbabahagi ni Kylie.

"I want a season two para mabawi ko si Beth, 'yung karakter ni Beth. Sana magka-season two talaga," dagdag ni Kylie.

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)

Ipinalabas noong November 19 ang finale episode ng BetCin kung saan napanood ang pagtatapat nina Beth (Kylie) at Cindy (Andrea) sa kanilang mga tagahanga tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sa BetCin, gumaganap bilang online influencers at same sex couple sina Kylie at Andrea na piniling itago ang katotohanan sa kanilang mga tagahanga na hiwalay na sila. Ito ay sa pag-aasam na mapanalunan ang P10 million na cash prize sa isang online contest na "#Relationship Goals."

Samantala, balikan ang sweetest photos nina Kylie Padilla at Andrea Torres sa gallery na ito: