
Nabitin ba kayo sa mga eksena nina Gina at Gerald sa high-rating afternoon series na My Father's Wife?
Puwes, balik-tambalan ang dalawa sa main stars ng serye na sina Kylie Padilla at Jak Roberto dahil magsasama ang dalawang Sparkle artists sa action-drama series na Task Force, Firewall.
Sa panayam ng 24 Oras kay Kylie, nagkuwento ito sa bagong project niya na ito ngayong 2026.
“It's very timely sa panahon natin, since lahat nasa internet na and lahat tayo may cellphones. So, everyone is vulnerable to this kind of crime,” paliwanag niya sa Chika Minute.
Inilarawan pa niyang exciting ang bago nilang serye na ibang-iba sa naging role nila sa My Father's Wife.
Lahad ni Kylie, “Like I usually say, pagkasama ko si Jak [Roberto] you know 50 percent of the work [is] done na kasi maganda 'yung chemistry namin. So, exciting ibang characters si Jak dito, ako rin naman. Pero, ibang-iba 'yung character niya dun sa 'My Father's Wife', so abangan n'yo din 'yun.”
Source: 24 Oras and Sparkle
Para naman sa Kapuso hottie na si Jak Roberto, tanging si Kylie lang ang nakikita niya na puwedeng gumanap sa role nito sa Task Force, Firewall. Bakit kaya ito nasabi ng Kapuso actor?
“Wala ako nai-imagine na ibang character na gaganap nito, kung hindi siya lang. So, I'm happy to work with her again. And I'm excited of course dahil ang maganda sa amin, when it comes na magkakaroon kami ng project nag-aadjust na lang kami through character, e.”
Makakasama rin ng JakLie sa show sina Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, at Bubble Gang star na si Buboy Villar.
Bago ang My Father's Wife (2025), nagkasama na rin sina Kylie at Jak sa primetime series na Bolera (2022).
RELATED CONTENT: Kylie Padilla's face card never declines