
Hooked ang buong bayan sa mga madramang eksena sa hit GMA Afternoon Prime series na My Father's Wife.
Ang serye na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion, Kylie Padilla, Jak Roberto, at Kazel Kinouchi ay nakakuha ng 8.1 percent sa NUTAM People Ratings noong Lunes, September 22.
Nagpaluha rin online sina Kylie at Jak sa emotional moment nila noong September 23 kung saan sa kabila ng sakit na naranasan ni Gina (Kylie Padilla) ay binigyan niya ng second chance si Gerald (Jak Roberto).
May mahigit two million views na ang eksenang ito at maraming fans ang humanga sa pag-arte nila.
Sabi ng isang netizen, “Grabe chemistry ng dalawang toh.. more project together with them."
Catch My Father's Wife on GMA Afternoon Prime, Monday to Saturday at 2:30 p.m., after It's Showtime.
RELATED CONTENT: