
Tinutukan ang pagbisita nina Kylie Padilla at Rayver Cruz sa live episode ng TiktoClock ngayong August 18.
Bukod kina Kylie at Rayver, nakasama rin nila ang isa pang Kapuso star na si Bianca Umali.
Sa episode na ito, game na game sa kulitan at happy time ang mga Kapuso stars sa TiktoClock. Kaya naman ibinahagi nila ang kanilang paboritong segment sa variety show na ito ng GMA Network.
Kuwento ni Kylie, lumabas ang competitive side niya dahil sa "Hale Hale Hoy."
PHOTO SOURCE: TiktoClock
"Lumabas 'yung pagiging competitive ko kahit mahirap siya. Lalo na 'yung partner ko si Ray, naka-blindfold so noong una nagsa-struggle ako, pero nagawa ko naman," kuwento ni Kylie.
Si Rayver naman ay natuwa dahil na-experience niya rin ang "Hale Hale Hoy."
"Ang saya! Gusto ko ngang mag-games ulit."
Dagdag pa ni Rayver, kailangan raw malakas ang resistensya ng isang contestant ng TiktoClock.
Abangan ang mga susunod na episodes ng TiktoClock ang mga Kapuso stars na sasali sa "Hale Hale Hoy!"
Patuloy na tumutok sa TiktoClock para sa pagkakataong manalo ng PhP2500 sa #TiktoClockDanceRaffle. Abangan ito Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa GMA Network.
NARITO ANG MGA LARAWAN NG TIKTOCLOCK TROPA NA SINA POKWANG, KUYA KIM AT RABIYA: