
Bibida sina Kapuso stars Kylie Padilla at Sienna Stevens sa upcoming family drama film na The Lotto Winner, na pagbibidahan nila kasama ang aktor na si Albert Martinez.
Isang kwento tungkol sa pamilya, pagkabigo, pagpapatawad, bagong simula, at kung papaano babaguhin ng isang pagkapanalo sa lotto ang buhay ng mag-ama.
Makakasama rin nila sa pelikula sina Robert Sena, Daniela Stranner, Karina Bautista, at Milo Elmido.
Ayon sa producer nito na MAVX Productions, hindi lang tungkol sa simpleng pagkapanalo sa lotto ang pelikula, kundi sa kung ano ang nangyayari pagkatapos ng selebrasyon.
Iikot ang kwento sa mga karakter nina Kylie at Albert, mag-ama na naghiwalay nang umalis si Aia, ang karakter ng aktres dahil sa bisyo at kapabayaan ng ama.
Sa Australia, kung saan kukunan ang malaking bahagi ng pelikula, mananatili si Aia, at magkakaroon ng anak. Sa pagkapanalo ng karakter ni Albert ng lotto, gagawa siya ng paraan para muling maging bahagi ng buhay ni Aia at ng kaniyang anak, ang karakter na gagampanan ni Sienna.
Sa pagbabalik ng karakter ni Albert sa buhay ni Aia, mapatawad na kaya niya ang ama bago pa mahuli ang lahat?
Abangan ang The Lotto Winner sa mga sinehan nationwide ngayong February 18 na.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ENJOYABLE TAPING EXPERIENCE NINA SIENNA, KYLIE, AT ALBERT SA GALLERY NA ITO: