GMA Logo kylie padilla as amihan
What's Hot

Kylie Padilla begins costume fitting for 'Sang'gre'

By Jansen Ramos
Published December 3, 2023 1:52 PM PHT
Updated December 31, 2023 5:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

kylie padilla as amihan


Hindi pa muna idinetalye o ipinakita ni Kylie ang magiging costume niya para sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' pero marami na ang nakaabang para sa kanyang bagong look bilang Amihan.

Kasadong-kasado na ang pagbabalik ni Kylie Padilla bilang Amihan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa Instagram post niya noong Biyernes (December 1), ipinasilip ng aktres ang mga bagay na nagsisilbing inspirasyon sa kanya kamakailan at kabilang dito ang kanyang bagong project.

A post shared by k y l i e ☽◯☾ (@kylienicolepadilla)

Sa nasabing post ni Kylie, ibinunyag niyang nagsimula na siyang mag-fit ng costume para sa kanyang role bilang Amihan sa pagpapatuloy ng Encantadia Chronicles sa Sang'gre.

Ipinost niya ang larawan ng isang pintuan na may nakapaskil na papel kung saan may nakasulat na "Sang'gre fitting area."

Hindi pa muna idinetalye o ipinakita ni Kylie ang magiging costume niya para sa Sang'gre pero marami na ang nakaabang para sa kanyang bagong look bilang Amihan.

Komento ng isang netizen, "Bumalik ka lang, masaya na kaming taga hanga mo."

Sa continuation ng iconic Kapuso telefantasya, si Bianca Umali ang magiging bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa. Ang magmamana naman ng Brilyante ng Apoy ay si Faith Da Silva, Brilyante ng Tubig si Kelvin Miranda, at Brilyante ng Hangin si Angel Guardian.

Makakasama rin sa Sang'gre sina Glaiza de Castro, na magbabalik bilang Pirena, Sanya Lopez bilang Danaya, Rocco Nacino bilang Aquil, Rhian Ramos, Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Bianca Manalo, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, Pamela Prinster, at ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA STORY CONFERENCE NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANGGRE SA GALLERY NA ITO: