
Hindi pinalagpas ni Bolera actress Kylie Padilla na mabisita ang ilan sa mga kilalang atraksyon sa Thailand.
Kahit na ilang araw lamang sa nasabing bansa, sinulit ng aktres ang kanyang bakasyon sa pagbisita sa "[Elephant] sanctuary" sa Chai Lai Orchid sa Northern Thailand.
Sa Instagram, ipinakita ni Kylie ang naging interaksyon niya sa mga elepante kung saan nagkaroon siya ng pagkakataon na mahawakan at mapakain ang mga ito.
Pinuntahan din ni Kylie ang isa sa pinakakilalang atraksyon sa Bangkok, ang Wat Arun, isang Buddhist temple.
"Go to where your soul gravitates," caption ni Kylie sa mga larawan sa labas at loob ng templo.
Bukod kay Kylie, ilan sa mga aktor na bumisita rin sa Thailand ngayong taon ay sina Sanya Lopez, Yasmien Kurdi, Bea Alonzo, Lovely Abella, Jose Sarasola, at Kim Perez.
TINGNAN ANG NAGING ADVENTURE NI SANYA LOPEZ SA BANGKOK, THAILAND DITO: