
Sumabak na sa script reading ang former Encantadia Sang'gres na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez para sa upcoming Kapuso series ng GMA!
Sa interview ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, ibinahagi ni Gabbi kung gaano kahalaga para sa kanila ang ginagawa nilang paghahanda.
Aniya, “Importante kasi talaga 'yung script reading, specially for me kasi mas nahuhulma mo 'yung character mo kaya naa-appreciate ko na we have sessions like this and they really give time for us to study the script.”
Excited na rin ang tatlong Kapuso stars na gampanan ang kanilang mga role sa naturang serye.
Para kay Kylie, interesting ang kaniyang bagong character bilang si Gemma na isang pulis.
“Eh 'di ba, I play a lot of very boyish characters. But what I love about Gem is she's very feminine pero tinatago lang niya dahil sa trabaho niya. Pulis siya eh. When she's in police mode, she's in police mode pero when she's not, very sexy siya,” sabi niya.
Samantala, bago mag-umpisa ang kanilang taping ay sasalang muna sa 'look test' ang cast ng inaabangang action-adventure series.
Ayon kay Sanya na gaganap bilang legendary warrior princess na si Urduja, dapat abangan ng mga Kapuso viewers ang kanilang mga susuoting costumes.
Wika niya, “Sobrang sexy nagulat din ako. 'Sigurado na po ba 'to?' sabi kong ganun talaga sa kanila. Pero siyempre abangan din natin 'yung mga costume nila dito kung ano ba 'yung bagong character for them.”
Makakasama rin nina Kylie, Gabbi at Sanya sa mega serye ang Kapuso stars na sina Michelle Dee, Arra San Agustin, Rochelle Pangilinan, Vin Abrenica, Kristoffer Martin, Zoren Legaspi at Jeric Gonzales.
Tutok lang sa GMANetwork.com para sa iba pang detalye tungkol dito.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UPCOMING MEGA SERYE SA GALLERY NA ITO: