
Sabay na nakatanggap sina Kylie Padilla at Glaiza De Castro ng birthday surprise mula sa kanilang Sang'gre family habang nasa taping.
Sa video na ibinahagi ni Kylie sa kanyang Instagram stories, makikita ang aktres na tuwang-tuwa habang sabay sila ni Glaiza na kinakantahan ng Sang'gre team ng birthday song.
May kanya-kanya rin silang cakes kung saan nakasulat ang "Hasne Ivo Live" o happy birthday. Present sa surprise sina Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Angel Guardian.
Ipinagdiwang ni Kylie ang kanyang 33rd birthday noong January 25, habang nag-celebrate naman si Glaiza ng kanyang 38th birthday noong January 21.
Kamakailan lamang nang i-tease ni Kylie ang kanyang pagbabalik-taping sa Encantadia Chronicles: Sang'gre kung saan muli siyang mapapanood soon bilang Amihan.
Ipinasilip na rin ng GMA superserye noong Sabado (January 24) ang scene ng pagdating ni Amihan sa Lireo kung saan muli niyang nayakap ang kanyang mga kapatid na sina Danaya (Sanya Lopez), Pirena (Glaiza De Castro), at Alena (Gabbi Garcia).
Abangan ang pagbabalik ni Kylie Padilla bilang Amihan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
'Encantadia Chronicles: Sang'gre' cast's behind-the-scenes photos