
Kung mayroon mang role na gusto ulit gampanan si Kylie Padilla ito ay ang karakter niya sa requel ng hit fantasy series na Encantadia, si Sang'gre Amihan.
Sa naganap ng kuwentuhan live sa TikTok kasama ang co-star sa Bolera na si Jak Roberto, sinabi ni Kylie na nais niyang magkaroon ng season 2 ang Encantadia.
"Sana magkaroon ulit ng 'Encantadia,' season 2. 'Yun ang inaabangan ko kasi gusto kong maging Amihan ulit," masayang sagot ni Kylie.
Huling napanood ang requel ng Encantadia noong 2016 kung saan pinagbibidahan ito nina Kylie, Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez. Nitong Enero, inanunsyo ng Kapuso network na malapit nang mapanood ang isa na naman istorya tungkol at pinamagatang Sang'gre.
Sa ngayon, abala si Kylie sa bagong niyang serye sa GMA, ang Bolera, na mapapanood na sa May 30 sa GMA Telebabad.
Bukod kay Jak, makakasama niya din sa seryeng ito sina Rayver Cruz, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, Al Tantay, David Remo, Via Veloso, Sue Prado, Ge Villamil, at Luri Vincent Nalus.
Abangan ang world premiere ng Bolera ngayong Lunes, 8:50 p.m., pagkatapos ng First Lady.
Samantala, tingnan ang last taping day ng Bolera sa gallery na ito: