GMA Logo Kylie Padilla
What's on TV

Kylie Padilla, hinangaan ang angas at ganda sa pilot episode ng 'Mga Lihim ni Urduja'

By Abbygael Hilario
Published February 28, 2023 7:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Is Chavit Singson considering to buy Miss Universe Organization? 
27 couples wed in Jaen civil wedding
BTS's pop-up store is coming back to Manila this December

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


Lumutang ang ganda at kaseksihan ni Kylie Padilla sa kanyang role bilang isang pulis sa mythical primetime mega serye na 'Mga Lihim Ni Urduja.'

Pinatunayan ng Sparkle artist na si Kylie Padilla na wala pa ring kupas ang kaniyang ganda at kaseksihan kahit na isa na siyang mom of two!

Nagsimula na kagabi ang pinakabagong mythical primetime mega serye ng taon na 'Mga Lihim ni Urduja.'

Nakilala na rin ng mga manonood ang career-driven rookie cop na si Gemma Davino na ginagampanan ng Kapuso star na si Kylie Padilla.

Sa pilot episode ng action-adventure series, napanood ang paghahanda ni Gemma bago pumasok sa kaniyang trabaho.

Sa eksenang ito, marami ang nakapansin sa kung gaano ka-sexy at kaganda ang aktres.

Ikinumpara rin ng netizens si Kylie sa sikat na South Korean actress at model na si Han So-hee.

Pinaulanan din ng papuri ng mga manonood ang ipinakitang angas at galing ni Kylie pagdating sa action scenes.

Samantala, mamayang gabi, ipamamalas lalo ni Gemma ang kaniyang galing bilang isang pulis!

Mas titindi rin ang mga eksena dahil simula na ng laban sa pagitan ng Team Urduja at Bounty Hunters!

Abangan ang kanilang paghaharap mamaya sa 'Mga Lihim ni Urduja,' 8:00 p.m., sa GMA Telebabad!

KILALANIN ANG CAST NG 'MGA LIHIM NI URDUJA' SA GALLERY NA ITO: