
Matapos ang ilang taon na pagiging focused sa kaniyang mga anak at sarili, may bago na nga bang nagpapasaya sa puso ni Kylie Padilla?
Ayon sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Huwebes, June 19, naitanong sa My Father's Wife actress kung in a relationship ba ito.
"I am in a relationship, okay, fine," sagot niya habang natatawa sa kaniyang pag-amin.
Sa gitna ng kaniyang masayang love life, inamin ng aktres mayroon pa din itong "unhealed version" dahil sa kaniyang mga trauma.
"But I'm very hopeful person, kasi and I'm trying to forgive and forget everything. Kasi no one wants naman to grow old alone," sabi ng aktres.
Ipinaliwanag ni Kylie na gusto niya palitan ang kaniyang pananaw sa buhay at nais niya magkaroon ng "healthier, happier marriage."
Dagdag nito, "And someone, who can complete my little family and take care of us. And love them as much as I love them."
Sa kaniyang panayam, ikinuwento din ni Kylie ang kaniyang pinagdadaanan na depression.
Ngunit, inamin nito na kinakaya niya ito dahil sa kaniyang mga "caring" na anak.
"They are very empathetic, they know now. They write me letters, ganiyan. Niyayakap nila ako," ikinuwento ni Kylie.
Mapapanood si Kylie sa upcoming GMA Afternoon Prime Soap na My Father's Wife simula June 23.
Panoorin ang buong balita dito:
RELATED CONTENT: LOOK: Kylie Padilla's jaw-dropping photos