
"Happily single" ngayon ang Sang'gre actress na si Kylie Padilla.
Sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, February 6—kasama ang kapwa 2016 Sang'gres na sina Glaiza De Castro, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez—tinanong ni King of Talk Boy Abunda si Kylie kung single ba siya ngayon.Inside link:
Nakangiting sagot ng aktres, "Happily single, yes. I think it's time I focus muna on my children, which is what I'm doing."
Kinumusta rin ni Tito Boy ang relationship ni Kylie kina Aljur Abrenica at AJ Raval matapos na bumisita ang huli sa programa noong Nobyembre at nag-open up tungkol sa kanyang mga anak.
Kuwento ni Kylie, "Actually, alam mo after that, nagkita pa kami by accident, all of us. Ang saya lang kasi I was waiting for that to happen kasi it was bound to happen. And when it did, our kids play together. And then we had dinner together. Ang saya lang.
"Nandito ako sa isang table, nandun sila. Pero pinili ko naman kasi 'yon. I let them have their time.
"Si Aljur 'yung nagtanong, 'Can we have dinner together? Kasi gusto kong makasama 'yung mga bata.' I'm like, 'Oh sure.' May table sila, du'n sila lahat. Dito ako, binubuo ko 'yung Lego ni Alas."
Dagdag pa ni Kylie sa moment nilang ito: "Pero masaya, masaya. I mean, maybe it was for the better talaga."
Related gallery: Aljur Abrenica bonds with his children with Kylie Padilla, AJ Raval
Samantala, abangan ang pagbabalik ni Kylie Padilla bilang Amihan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Related content: Kylie Padilla, ipinasilip ang fight scenes ni Amihan sa 'Sang'gre'