
Tila blooming ngayon ang love life ni Kapuso star Kylie Padilla, lalo na't marami ang kinikilig sa kanya.
Kamakailan, hindi mapigilan ng fans na kiligin sa live streaming sessions ni Kylie kasama ang kanyang Korean friends.
Ngunit sa ulat ng Unang Hirit, nilinaw ng Kapuso star na huwag muna raw lagyan ng love angle ang kanilang closeness dahil kaibigan lamang ang turing nila sa isa't isa. Layunin lang daw ng grupo na magpasaya ng kanilang followers online.
READ: Kylie Padilla, Kate Valdez, and Radson Flores attend Ghibli concert
Samantala, kilig overload din ang fans sa tambalan nina Kylie at Luis Hontiveros sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
"Pinag-uusapan daw talaga nila ang mga eksena para effective ang tambalan ng mga karakter nilang sina Isa at Martin," sabi sa report.
Pero sa gitna ng on-screen chemistry nila, kumusta na kaya ang personal love life ni Kylie?
Inamin ni Kylie na marami ang nanliligaw sa kanya ngayon!
"Alam mo 'yung saying na, 'collect then select.' Finally, I'm doing it, charot! At this age. Pero nagulat din ako," kuwento ni Kylie.
READ: Kylie Padilla opens up about the challenges of being a single mom
Patuloy na mapapanood si Kylie sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.
May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Tingnan ang jaw dropping photos ni Kylie Padilla sa gallery na ito: